FVR umapela kina Duterte at Leni na magkaisa na

Alex Calda, DZMM

Posted at Mar 29 2017 02:41 PM

Umapela si dating pangulong Fidel Ramos sa mga lider ng bansa na magkaisa. 

Sa press conference sa Terminal 1 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA), inihayag ni Ramos na mahalagang magkaisa sina Pangulong Rodrigo Duterte at Vice President Leni Robredo para na rin sa kinabukasan ng mga Pilipino.
 
Binigyang diin ng dating pangulo na walang dahilan para mag-away ang dalawang mataas na lider.

Naniniwala rin si Ramos na malabo ang mga basehan ng mga inihaing impeachment complaint laban sa pangulo at pangalawang pangulo. 

Kasabay nito, sinabi ni Ramos na dapat isama si House Speaker Pantaleon Alvarez sa napabalitang dinner ng dalawang lider ng bansa.

Katwiran ng dating presidente, nagmula kasi sa Kamara ang impeachment complaint laban kina Duterte at Robredo.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.