PRAGUE - Masigasig na inimbitahan ng Philippine Embassy sa Prague ang Czech travelers na bisitahin ang Pilipinas sa Holiday World and Region World 2023 Tourism Trade Fair na ginanap sa PVA Expo Praha noong March 17 hanggang 19, 2023.
Prague PE photo
Bukod sa tradisyunal na tourist destinations tulad ng Palawan, Cebu, Bohol, at Boracay. Minarapat ng Embahada na ibida naman ang iba pang tourist spots ng bansa tulad ng Northern Mindanao, Cordilleras, Central Luzon, Surigao at Dinagat Islands upang makita ng mga turista ang iba pang bahagi ng bansa.
Prague PE photo
Tatlong taon nang sumasali ang Pilipinas sa international tourism at regional tourism trade fair.
“We welcome you to visit the Philippines and experience its rich history, diverse culture, culinary and tourism destinations, and hospitable people,” pahayag ni Philippine Ambassador-designate to the Czech Republic Eduardo Martin Meñez.
Prague PE photo
Pinasinayaan din ni Ambassador Meñez sa tourism fair ang “The Philippines: It’s More Fun with You” Business Networking Meeting kasama ang Czech, foreign tour operators, at media representatives.
Prague PE photo
May 306 exhibitors mula sa 26 bansa ang lumahok sa ika-31 edisyon ng Holiday World and Region World ngayong taon. Dinumog ang tourism fair ng humigit kumulang na 28-libong katao.
Prague PE photo
Prague PE photo
Para sa mga nagbabagang mga balita tungkol sa ating mga kababayan sa Czech Republic, tumutok sa TFC News sa TV Patrol.