PatrolPH

500 pamilyang apektado ng Mindoro oil spill hinatiran ng tulong

ABS-CBN News

Posted at Mar 28 2023 05:05 PM | Updated as of Mar 28 2023 09:31 PM

Watch more News on iWantTFC

Hinatiran ng ABS-CBN Foundation ng relief packs ang ilang pamilya mula Pola, Oriental Mindoro na labis na naapektuhan ng oil spill.

Tinungo ng Sagip Kapamilya ng ABS-CBN Foundation ang Barangay Buhay na Tubig, isa sa coastal barangays na pinakasapul ng oil spill, para mabigyan ng bigas, de-lata at hygiene kits ang nasa 500 pamilya.

Marami sa mga residente ng barangay ang nabubuhay sa pangingisda, na ipinatigil dahil sa banta ng oil spill.

Kabilang dito ang 63 anyos na si Alberto Cruz, na 50 taon nang mangingisda pero namamasada muna siya ng motorsiklo para may pangtawid sa pang-araw-araw na pangangailangan ng pamilya.

"Wala talaga akong kita, talagang walang-wala," ani Cruz.

Aminado ang mga opisyal ng barangay na kahit nakatatanggap ng ayuda mula sa local government unit ay hindi ito sapat at ramdam ang hirap ng mga mangingisda sa kawalan ng kabuhayan.

"Kami'y humihingi ng tulong, 'yong mga pangangailangan namin katulad po ng pagkain, alternatibong pagkakakitaan," sabi ni Annabel Fabula, chairperson ng barangay.

Nagpasalamat naman si Pola Mayor Jennifer Cruz sa tulong na hatid sa mga residente.

— Ulat ni Bernadette Sembrano, ABS-CBN News

RELATED VIDEO

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.