PatrolPH

Suspek sa pagpatay sa 5 anyos, patay matapos 'manlaban' sa buy-bust sa Davao

ABS-CBN News

Posted at Mar 28 2021 06:03 PM

DAVAO CITY - Napatay ng pulisya ang isang lalaki matapos umano itong manlaban sa mga pulis sa drug buy-bust operation sa Purok- 4, Saavedra Street, Barangay Toril Poblacion, Toril District, Davao City Linggo ng umaga.

Lumalabas sa report ng pulisya na ang suspek ay may kaso ring murder dahil sa pagpatay umano sa isang limang taong gulang sa Toril, Davao City.

Ayon sa Toril Police, nagsagawa sila ng buy-bust kung saan nabilhan umano si Sarno ng isang pakete ng hinihinalang marijuana.

Pero nakapansin ang suspek at bumunot ng armas, saka umano binaril ang operatiba.

Nakailag umano ang pulis at at binaril din ang lalaki.

Isinugod sa Mediquest Hospital ang suspek pero idineklarang dead on arrival.

Narekober mula sa napatay ang isang 9mm pistol at mga basyo ng bala.

Nakuha rin mula sa bangkay ang tatlong pakete ng hinihinalang marijuana.


- ulat ni Hernel Tocmo

RELATED VIDEO

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.