May biyahe na papuntang Northern Samar mula sa pantalan sa Castilla, Sorsogon. Retrato mula sa Philippine Ports Authority-Port Management Office Bicol
Nadagdagan na ang mga pantalan sa Bicol region na may biyahe papunta sa Northern Samar.
Bukod sa Matnog Port sa Sorsogon, bukas na rin ang pantalan sa bayan ng Castilla, Sorsogon para sa mga biyahe papuntang Northern Samar.
Dumating noong Huwebes sa pantalan ang MV Lite Ferry 11, na pag-aari ng Lite Shipping Corporation, na nakabase sa Cebu.
Noong Huwebes din opisyal na sinimulan ang mga biyahe ng barko pa-Northern Samar.
Kayang isakay ng barko ang 10 10-wheel truck, 6 na pribadong sasakayan at 550 na pasahero kada araw. Tuwing alas-12 ng tanghali ang biyahe.
Ang pagbubukas ng Castilla port ay tugon sa panawagan ng Department of Transportation na bawasan ang pila sa Matnog port, lalo na ng mga bumibiyaheng cargo trucks papuntang Visayas at Mindanao, sabi ni Achilles Galindes ng Philippine Ports Authority.
Pwede pa umanong magdagdag ng isa pang barko ang shipping company, depende sa dagsa ng mga pasahero.
– Ulat ni Karren Canon
FROM THE ARCHIVES:
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPH, Tagalog news, regions, regional news, rehiyon, Castilla, Sorsogon, Matnog Port, Northern Samar, biyahe, transportasyon, Philippine Ports Authority