PatrolPH

Mahigit P400-K halaga ng 'shabu', nasabat sa isang estudyante sa Capiz

ABS-CBN News

Posted at Mar 28 2021 05:13 PM

ROXAS CITY, Capiz - Arestado ang isang estudyante sa pagbebenta ng umano'y ilegal na droga sa Barangay Cagay, Roxas City, Capiz, Linggo ng umaga sa isang operasyon ng Regional Police Drug Enforcement Unit at ng Roxas City Police.

Subject ng operasyon ang 21 taong gulang na estudyante at isang alyas Joce na nakatira sa lugar.

Nabilhan ng pulis na nagpanggap na buyer ang suspek ng isang sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P14,000.

Dagdag na 13 sachet ng hinihinalang droga ang nakuha sa posesyon ng suspek.

Ayon sa awtoridad nagkakahalaga ng P442,000 ang street value ng mga nakumpiskang ilegal droga sa suspek.

Nakakulong na ngayon ang suspek sa Roxas City Police at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Samantala, nakatakas naman ang kasama ng suspek matapos malaman na pulis ang katransakyon nito.

- ulat ni Rolen Escaniel

RELATED VIDEO:

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.