Halos 100,000 face masks hatid sa 45 ospital sa Kamaynilaan

ABS-CBN News

Posted at Mar 28 2020 08:29 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA - Habang nadaragdagan ang mga pasyenteng may coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa mga ospital, dumarami ang pangangailangan na personal protective equipment ng health frontliners.

Umaapaw rin ang mga panawagang natanggap ng Bayan Mo Ipatrol Mo tungkol sa kakulangan sa PPE.

Bilang tugon, namahagi ng face masks ang ABS-CBN sa mga ospital.

Aabot sa 45 ospital na sa buong Metro Manila ang napadalhan ng halos 100,000 face masks.

Kasabay nito ang mga sulat ng pasasalamat at inspirasyon para sa mga health worker na ipinadala ng mga bata sa ABS-CBN foundation.

Kasabay nito, patuloy ang pagtanggap ng donasyon ng "Pantawid ng Pag-Ibig campaign ng ABS-CBN.

Kung nais mag-abot ng tulong-pinansiyal, maaaring ihulog ito sa mga sumusunod na bank account.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.