Umano'y lider ng sindikato, timbog sa Davao del Norte

Hernel Tocmo, ABS-CBN News

Posted at Mar 28 2019 08:21 PM

SANTO TOMAS, Davao del Norte - Arestado sa operasyon ng Criminal Investigation and Detection Group ang umano'y lider ng isang gun-for-hire syndicate sa Santo Tomas, Davao del Norte Miyerkoles.

Tatlong search warrants ang ihinain sa suspek na si Eddie Batoon. Nakuha mula sa kaniya ang tatlong high-powered firearms at mga bala.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Johanna Lagundi, lider si Batoon ng isang gun-for-hire syndicate.

Iniimbestigahan pa kung sangkot si Batoon sa mga bagong insidente ng pamamaril sa Davao del Norte.

“There is a possibility, pero hindi pa natin malaman na involved talaga ‘yon, not unless makuha na natin yung result ng crime lab. Now, ang mga narekober natin na firearms, sinubmit na natin sa crime lab for balistic exam, and forensic exam,” ayon kay Lagundi.

Kinasuhan na si Batoon sa paglabag sa Republic Act 10591 o Illegal Possession of Firearms.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.