P2.3 milyong halaga ng droga nasamsam sa Negros Oriental

Nico Delfin, ABS-CBN News

Posted at Mar 28 2019 04:35 PM

Nasamsam ang P2.3 milyong halaga ng ilegal na droga mula sa isa umanong drug lord sa bayan ng Bacong, Negros Oriental nitong Martes.

Arestado si Jason Vasquez, ang kaniyang live-in partner na si Fatima Lukaniuk, at Clyde Basig na caretaker ng kaniyang rest house.

Sa bisa ng search warrant, ni-raid ang bahay at rest house ni Vasquez, kung saan nakuha ang 335 gramo ng shabu.

Sinampahan na ng kasong possession of illegal drugs at drug paraphernalia ang tatlo.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.