Lola patay sa pananaksak ng apo sa Ilocos Sur

ABS-CBN News

Posted at Mar 28 2019 04:35 PM

Napatay noong Martes ang isang 80 anyos na babae sa bayan ng Caoayan, Ilocos Sur matapos pagsasaksakin umano ng kaniyang apo, ayon sa pulisya.

Pinagbintangan ng 17 anyos na suspek ang kapitbahay na lola ng pambabato sa bubong ng kaniyang bahay, dahilan para sila ay magkasagutan hanggang sa pinagsasaksak ang biktima, ayon kay Police Executive Master Sgt. William Areola, deputy chief ng Caoayan police.

Lumabas din sa imbestigasyon ng pulisya na lasing ang suspek nang mangyari ang krimen.

Dahil menor de edad, ibinigay muna ang suspek sa kustodiya ng Social Welfare Office.

Desidido ang pamilya ng biktima na sampahan ng kaso ang suspek.

--Ulat ni Ria Galiste, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.