Lalaki na 'nilabas, nilaro' ang ari sa loob ng jeep tutugisin

ABS-CBN News

Posted at Mar 28 2019 05:20 PM | Updated as of Mar 28 2019 07:53 PM

Editor's Note: May mga tinatalakay na seksuwal at hindi pambatang paksa ang artikulong ito. Mahalaga ang wastong paggabay sa mga wala pa sa tamang edad o disposisyon para magbasa o umintindi ng ganitong mga bagay.

Watch more in iWant or TFC.tv

Nagbabala ang pulisya laban sa gumagalang exhibitionist na inireklamo ng dalawang babae na nakasakay nito sa magkahiwalay na jeep sa Pulilan, Bulacan noong nakaraang linggo. 
 
Kalat ngayon sa Facebook ang video na kuha noong Marso 20 kung saan kita ang isang lalaki sa jeep na pinaglalaruan ang kaniyang ari habang nakaharap sa kapwa niya pasahero. 

Sa pirmadong salaysay ng isa sa mga biktima sa opisyal ng Barangay Longos sa Pulilan, inilarawan niya ang insidente na naganap habang tirik ang araw. 

"Nu'ng dalawa na lang sila nagma-masturbate daw bigla at hinahawakan ang ari niya," sabi ni Lalaine Hernandez, sekretarya ng barangay. 

Pero bago pala ito, alas-6 ng umaga noon ding Marso 20 ay nakuhanan ng lawaran ng isa pang biktima ang parehong lalaki. 

Pareho daw ang kahalayang ginagawa nito. 
 
Ipina-blotter na ng mga biktima ang insidente sa Bulacan police. 

Binalaan naman ng pulisya ang suspek na sumuko na lang dahil kanila itong tutuntunin.

"Puwede po magsadya dito para makasuhan natin para di na umulit 'yan. Sa suspek, sumurender ka na dahil sigurado hahanapin ka namin," sabi ni Police Capt. Reginal Turla, deputy chief ng Pulilan police. 

—Ulat ni Doland Castro, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.