Kiosks para sa pag-renew ng lisensiya ilalagay sa mga mall

ABS-CBN News

Posted at Mar 28 2019 07:57 PM | Updated as of Mar 28 2019 08:24 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Mas dadali pa raw ang pagre-renew ng lisensiya ng mga motorista dahil sa ilalagay na mga self-help kiosk ng Land Transportation Office (LTO) sa iba't ibang malls sa bansa.

Para hindi na pumunta ang mga motoristang magpapa-renew ng lisensiya sa tanggapan ng LTO, maglalagay ang ahensiya ng "self-renewal kiosk" sa mga mall sa susunod na buwan, kung saan mismong motorista na ang magpoproseso ng pag-renew.

Sa kabila nito, hindi pa rin umano mawawala ang mano-manong pagre-renew ng lisensiya.

Ipadadala ng LTO ang lisensiya sa pamamagitan ng courier service sa rehistradong address sa lisensiya. 

Kung nagtitipid, maaari naman daw personal na i-claim ang lisensiya sa tanggapan ng LTO.

Plano ng LTO na palawigin ang information technology project nila para mapadali ang transaksiyon sa ahensiya gaya ng pagbabayad ng multa sa paglabag sa batas trapiko at maging sa registration ng mga sasakyan.

--Ulat ni Jacque Manabat, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.