PatrolPH

Dating sundalo inireklamo ng pambubugbog ng asawa

Joey Taguba Yecyec, ABS-CBN News

Posted at Mar 28 2019 06:49 PM

EL SALVADOR CITY, Misamis Oriental - Inaresto ng mga pulis dito sa siyudad ang isang dating sundalo matapos ireklamo ng pambubugbog ng kaniyang asawa.

Nitong Martes inihain ang warrant of arrest laban kay alyas "Bert" dahil sa kasong paglabag sa Republic Act 9262 o Violence Against Women and Their Children Act.

Itinanggi ng suspek ang paratang sa kaniya. Aniya, matagal na niyang hindi kasama ang asawa na nasa Plaridel, Misamis Occidental.

Ayon kay Police Lt. Col. Randy Anito, hepe ng El Salvador Police, agad nilang inaresto ang suspek nang malaman na sa kanilang area of responsibility ito nagtago.

Inihatid na sa Regional Trial Court ng Calamba, Misamis Oriental si alyas Bert para doon harapin ang kaniyang kaso.

Maari naman siyang makapagpiyansa sa halagang P72,000.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.