Barangay Chairman, tiklo sa buy-bust

Joanna Tacason, ABS-CBN News

Posted at Mar 28 2019 05:28 PM | Updated as of Mar 28 2019 05:42 PM

Nakabili ng P5,000 halaga ng hinihinalang shabu ang awtoridad mula sa suspek. Joanna Tacason, ABS-CBN News

BAYAMBANG, Pangasinan – Arestado ang isang 45-anyos na Barangay Chairman sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay San Juan, San Carlos City, Huwebes ng umaga.

Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), bagong drug personality ang kapitan at matagal na nilang minamanman ang modus lalo’t matunog umano ang pangalan nito sa transaksyon ng ilegal na droga.

Modus umano ng suspek ang makipagtransaksiyon sa ibang bayan sa pamamagitan ng text message at makikipagmeet-up sa piling parokyano.

Isang plastic sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P5000 ang nabili sa suspek.

Nakumpiska rin sa kaniya ang ilang drug paraphernalia.

Kinumpirma din ng PDEA na wala siya sa naunang inilabas na narco list ng barangay officials.

Pero dagdag ng ahensiya, tuloy-tuloy ang ginagawang validation sa reported drug personalities sa Pangasinan.

Walo na ang naaresto ng PDEA kabilang na ang 5 high value target na drug personalities.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.