PatrolPH

Anak ng dating huwes, 10 iba tiklo sa anti-drug ops sa Maynila, QC

ABS-CBN News

Posted at Mar 28 2019 07:23 AM

MAYNILA - Naaresto ng mga pulis ang 11 katao sa operasyon kontra droga sa Kamaynilaan sa magdamag.

Sinalakay ng Sampaloc police ang isang abandonadong punerarya sa Loreto Street, Barangay 436 kung saan naabutan nila ang 5 lalaki at 3 babae na gumagamit ng shabu. 

Kabilang sa mga nahuli ay anak ng isang dating huwes sa Quezon City.

"Pinapasa-pasa nila 'yung tooter... 'Yung lugar kung saan nasunog na itong punerarya, ginagamit na nila itong drug den," ani Police Capt. Philipp Ines ng Sampaloc police.

Narekober sa mga suspek ang 3 pakete ng hinihinalang shabu at drug paraphernalia.

Samantala, timbog ang 3 lalaki sa buy-bust operation sa Quezon City. Nakuhanan sila ng 5 sachet ng umano'y shabu.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. - Ulat nina Jervis Manahan at Fred Cipres, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.