PatrolPH

8 timbog sa drug session sa nasunog na punerarya

ABS-CBN News

Posted at Mar 28 2019 12:45 PM | Updated as of Mar 28 2019 01:04 PM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA — Walo ang natimbog matapos silang mahuli sa aktong gumagamit ng droga sa isang abandonadong punerarya sa Sampaloc, Maynila nitong Huwebes. 

Nakatanggap ng sumbong ang Sampaloc police na may nangyayaring drug session sa nasabing lugar sa Loreto Street, Barangay 436.

Nang puntahan, inabutan nila doon ang limang lalaki at tatlong babae na nagkukumpulan at gumagamit ng shabu.

"Pinapasa-pasa nila yung tooter. Nakita sila ng mga operatiba. Base ito sa account ng mga pulis natin doon. At 'yung lugar kung saan nasunog na itong punerarya eh. Ginagamit na nila itong drug den," ayon kay Police Capt. Philipp Ines, tagapagsalita ng Sampaloc police. 

Tatlong pakete ng hinihinalang shabu ang nakuha sa lugar na nasa P1,000 ang halaga. May mga parapernalya ring nakumpiska ang pulisya.

Pito sa walong nahuli ay nasa drug watch list ng Philippine National Police. 

—Ulat ni Lady Vicencio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.