Lolo patay nang masagasaan ng tren sa CamSur

ABS-CBN News

Posted at Mar 28 2018 03:51 PM

MANILA - Patay ang isang 87 anyos na lalaki nang masagasaan ng tren ng Philippine National Railways (PNR) sa riles na sakop ng Baao, Camarines Sur, nitong Martes Santo.

Dead on the spot ang lalaking kinilalang si Salvador Pesimo, residente ng Barangay Sta. Teresita, matapos masagasaan ng "departmental material train" ng PNR. 

Ayon sa pulisya, naglalakad sa may riles si Pesimo at mangunguha sana ng panggatong. Pero mahina anila ang pandinig at paningin nito kaya hindi napansin ang paparating at bumubusinang tren.

Hangad naman ng naulilang pamilya ni Pesimo na matulungan sila sa pagpapalibing sa kanilang mahal sa buhay. Pero ayon sa PNR, P10,000 lang ang ibinibigay sa mga biktima ng ganitong aksidente.

Paalala naman ng mga awtoridad sa mga nakatira malapit sa riles, palaging mag-iingat at maging alerto.--ulat ni Rona Jane Nuñez, ABS-CBN news

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.