Closed van tumagilid sa NLEX, nagpasikip ng trapiko

ABS-CBN News

Posted at Mar 28 2018 11:05 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA - Isang closed van ang tumagilid sa North Luzon Expressway malapit sa Angeles Toll Plaza ngayong Miyerkoles ng umaga.

Dahil dito, nagkaroon ng pagsikip ng trapiko ang northbound lane kung saan nakabalandra ang sasakyan.

Hiwalay pa ang aksidente na ito sa unang naiulat na karambola ng 8 sasakyan sa NLEX ngayong araw din.

Pinapayuhan ng mga awtoridad ang mga motorista na mag-ingat sa pagmamaneho, lalo't marami ngayon ang pauwi ng mga probinsiya.

 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.