8 sasakyan nagkarambola sa NLEX

Henry Atuelan, ABS-CBN News

Posted at Mar 28 2018 09:54 AM | Updated as of Dec 30 2018 04:14 AM

Watch more in iWant or iWantTFC

MANILA – Walong sasakyan ang nagkarambola sa northbound lane ng NLEX, sakop ng Mabalacat, Pampanga, Miyerkoles ng umaga.

Isa umano ang nagtamo ng sugat sa labi at dinala na sa pagamutan.

Kinabibilangan ng 2 Mitsubishi Adventure, at tig-isang Toyota Vios, Toyota Avanza, Toyota Wigo, Mazda 3, Honda Civic at Elf Truck ang nasangkot sa aksidente.

Agad naman naitabi ang mga naaksidenteng sasakyan habang inaalam pa ng awtoridad kung sino ang responsable sa karambola.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.