6 timbog sa buy-bust sa Payatas

ABS-CBN News

Posted at Mar 28 2018 04:41 PM

MANILA - Arestado ang 6 na umano'y sangkot sa paggamit at pagbebenta ng ilegal na droga sa isang buy-bust operation sa Payatas, Quezon City, Martes ng gabi.

Nakuha mula sa mga suspek ang 13 sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P20,000.

Isa sa mga suspek ay isang 16-anyos na dalagita, habang ang lima pa ay mga lalaki na edad 24 hanggang 48.

Ang mga suspek ay maaaring maharap sa mga kasong kaugnay ng paglabag sa Comprehesive Dangerous Drugs Act of 2002.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.