6 huli sa 'Oplan Galugad' sa Maynila

ABS-CBN News

Posted at Mar 28 2018 05:24 AM | Updated as of Dec 29 2018 03:21 PM

Arestado ang 6 katao sa ikinasang Oplan Galugad ng Manila Police District Station 1.

Inaresto ng mga pulis ang 3 lalaki na nahulihan ng shabu. Umamin sila na gumagamit ng droga, ayon sa pulisya. 

Mahaharap sila sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Hinuli rin ang isang lalaki dahil sa dala nitong 9mm na baril. Depensa niya, lisensiyado umano ito at ginagamit lang pang depensa sa sarili.

Timbog din ang isang babae dahil sa pagbebenta ng solvent sa kaniyang mga kapitbahay.

Kalaboso naman ang isang lalaki dahil sa dala nitong sumpak. Sasampahan siya ng kasong paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act. - ulat ni Jervis Manahan, ABS-CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.