Hawak na ngayon ng Philippine Coast Guard (PCG) ang limang hindi pa pinapangalanang mga dawit sa paggawa umano ng pampasabog para sa pangingisda.
Naaresto ng mga awtoridad ang lima sa isang raid sa barangay Lamao, Limay, Bataan.
Ayon kay PCG spokesperson Armand Balilo, hinalughog ng kanilang mga tauhan ang kanilang target sa bisa ng siyam na search warrants.
Doon na natuklasan ang mga improvised explosive device (IED) at mga sangkap sa paggawa nito na ammonium nitrate, time fuse, at mga blasting cap.
Isinasailalim na sa medical examination ang mga nahuli bago ang kanilang inquest proceedings.
--Ulat ni Dexter Ganibe, ABS-CBN News
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPh, Tagalog news, barangay Lamao, Limay, Bataan, rehiyon, PCG, Philippine Coast Guard, Armand Balilo, improvised explosive device, IED, ammonium nitrate, blast fishing