Pastor, arestado matapos makunan ng hindi lisensyadong baril

Grace Alba, ABS-CBN News

Posted at Mar 29 2017 12:03 AM | Updated as of Mar 29 2017 02:26 PM

Photo by Grace Alba, ABS-CBN News

DINGRAS – Arestado ang isang pastor na nagtatrabaho sa isang Christian school sa bayan ng Dingras, Ilocos Norte matapos makuhanan ng mga pulis ng hindi lisensyadong baril at bala sa kanyang bahay at sasakyan Lunes ng umaga.

Nakilala ang suspek na si Dante Aguinaldo, 47 taong gulang, residente ng Barangay Parado sa bayan ng Dingras, Ilocos Norte.

Sa bisa ng isang search warrant, ginagalugad ng raiding team ng mga pulis ang bahay ni Aguinaldo, at dito nakuha ang isang kalibre-.22 na converted na riple. Isang bala ng 9mm na baril naman ang nakita sa kanyang sasakyan.

Walang nakitang ilegal na droga sa kanyang tahanan.

Ayon kay Aguinaldo, sa korte na lang niya sasagutin ang mga alegasyon laban sa kanya.

Una nang nagkaroon ng kaso tungkol sa umano'y kaugnayan niya sa iligal na droga, at naireklamo na rin ito dahil sa umanong paglabag sa batas na nagbabawal ng public disorder, o panggugulo.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.