PatrolPH

Suspek patay, P680K halaga ng shabu nasamsam sa buy-bust sa Batangas

Dennis Datu, ABS-CBN News

Posted at Mar 27 2021 06:29 PM

Patay sa engkuwentro ang hinihinalang miyembro ng drug group sa lalawigan ng Batangas.

Nakuha rin sa kaniya ang P680,000 halaga ng hinihinalang shabu.

Ayon kay Police Major John Eric Antonio, hepe ng San Pascual Police, patay si Alexander Navarro habang nakatakas ang kasama nito na sakay ng motorsiklo patungo sa direksiyon ng Batangas City.

Miyembro umano si Navarro ng grupong Perlite Perculeza.

Nagkasa ng buy-bust operation ang mga awtoridad noong Huwebes sa Barangay Bayanan, bayan ng San Pascual sa Batangas kung saan isang pulis ang nagpanggap na buyer at nakipagtransaksiyon sa suspek.

Pero nakahalata umano ang suspek na peke ang pera kaya agad itong bumunot ng baril at nagpaputok sa pulis.

Hindi naman natamaan ang pulis. Nakaganti rin ng putok ang mga nakaantabay na mga pulis kaya't napatay ang suspek.

KAUGNAY NA BALITA:

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.