Presong tumakas sa Biliran Provincial Jail nahuli na

ABS-CBN News

Posted at Mar 27 2021 08:28 PM

Presong tumakas sa Biliran Provincial Jail nahuli na 1
Si Simeon Kumbate. Kuha ng Biliran Island.com

Nahuli na ng mga awtoridad sa bayan ng Naval sa Biliran ang isang presong nakatakas sa Biliran Provincial Jail. 

Nahuli si Simeon Kumbate sa isang palayan sa Barangay Sto. Niño alas -11:30 ng umaga nitong Sabado, matapos ang hot pursuit operation ng kapulisan.

Nakuha sa kanya ang isang kutsilyo.

Presong tumakas sa Biliran Provincial Jail nahuli na 2
Si Simeon Kumbate habang nakikipagbunuan sa mga awtoridad. Kuha ng Biliran Island.com

Nakatakas si Kumbate, na may kasong rape, nitong nakaraang Biyernes ng madaling araw. Umakyat siya sa perimeter fence sa likod na bahagi ng pasilidad.

Nakakulong na ngayon sa Naval Municipal Police station ang pugante.-- Ulat ni Ranulfo Docdocan

FROM THE ARCHIVES

Watch more on iWantTFC