PatrolPH

P476K halaga ng shabu narekober sa buy-bust sa Iloilo City

ABS-CBN News

Posted at Mar 27 2021 10:18 AM

P476K halaga ng shabu narekober sa buy-bust sa Iloilo City 1
Nasa P476,000 ang halaga ng nakumpiskang mga sachet ng hinihinalang shabu mula sa target sa isinagawang buy-bust operation sa Iloilo City. Larawan mula sa Regional Police Drug Enforcement Unit 6

Arestado ang isang high value target na drug pusher sa inilatag na buy-bust operation ng awtoridad na nagresulta rin sa pagkakarekober ng tinatayang P476,000 halaga ng hinihinalang shabu sa Jaro, Iloilo City, Biyernes ng gabi.

Naaresto sa operasyon ng Regional Police Drug Enforcement Unit at Jaro Police ang target na si alyas "Abner", 44-anyos.

Nabilhan umano ng nagpanggap na buyer ang suspek ng isang sachet ng hinihinalang shabu sa halaga na P15,000 sa Circumferential Road sa Barangay Buhang. 

Nakuha rin mula sa suspek ang nasa 13 malalaking sachet ng hinihinalang shabu na tinatayang aabot ng P476,000 ang street value.

Nakapiit na sa Jaro Police Station ang suspek at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

- Ulat ni Rolen Escaniel
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.