PatrolPH

Drug den sa Pampanga, sinalakay; 5 timbog

ABS-CBN News

Posted at Mar 27 2021 12:08 AM

Drug den sa Pampanga, sinalakay; 5 timbog 1
Kuha ng PDEA Region 3

Isang drug den ang sinalakay ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency sa bayan ng Porac, Pampanga Biyernes ng gabi.

Ayon sa PDEA Region 3, isang tip mula sa isang concerned citizen ang nagturo sa naturang drug den umano sa isang village sa Brgy. Sta. Cruz.

Arestado ang 5 suspek na nakuhanan ng humigit-kumulang 20 gramo ng hinihinalang shabu na may estimated street value na P136,000.

Inihahanda na ang kasong paglabag ng Comprehensive Dangerous Drugs Act laban sa mga nahuli. - Ulat ni Gracie Rutao

MULA SA ARKIBO

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.