PatrolPH

'Bigtime' oil price rollback sasalubong sa mga motorista sa Semana Santa

ABS-CBN News

Posted at Mar 27 2021 03:21 PM

'Bigtime' oil price rollback sasalubong sa mga motorista sa Semana Santa 1
Mark Demayo, ABS-CBN News/File

MAYNILA - Inaasahang bababa ang presyo ng produktong petrolyo nang P1.30 hanggang P1.50 ngayong Semana Santa, ayon sa mga taga-industriya. 

 Inaasahang pagbaba ng presyo:

  •  Kerosene - P1.30 - P1.40/litro
  •  Diesel - P1.40 - P1.50/litro
  •  Gasolina - P1.40 - P1.50/litro

Tinatayang bababa nang P1.40 hanggang P1.50 kada litro ang presyo ng diesel at gasolina.

Tinatayang may P1.30 hanggang P1.40 namang bawas-presyo sa kerosene. 

Ito na ang ika-2 sunod na rollback sa produktong petrolyo, na itinuturo sa paghihigpit ng quarantine protocols sa ibang bansa sa pagdami ng kaso ng coronavirus disease (COVID-19). 


--Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

KAUGNAY NA VIDEO: 

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.