TINGNAN: Pagpapaabot ng tulong sa 200,000 pamilya ng 'Pantawid ng Pag-ibig' lumalarga na

ABS-CBN News

Posted at Mar 27 2020 10:05 PM | Updated as of Mar 28 2020 06:02 PM

Kahon-kahon na bottled water naman ang iniabot ng mga taga-Lucio Tan Group Inc. para sa mga taga- Taguig. Photos courtesy of News Public Service

Naipadala ang mga tubig mula sa Lucio Tan Group at ilan pang delata sa lokal na pamahalaan ng Malabon City. Photos courtesy of News Public Service

Kahon-kahon na bottled water at sako-sakong relief packs ang iniabot ng mga taga-Lucio Tan Group Inc. para sa mga taga- Mandaluyong. Photos courtesy of News Public Service

Iniabot sa lokal na pamahalaan ng Maynila ang bottled water mula Lucio Tan Group Inc. Photos courtesy of News Public Service

Sako-sakong bigas naman ang handog ng Lopez Group of Companies habang nagpamahagi rin ng mga sandwich ang McDonalds. Photos courtesy of News Public Service

Sa tulong ng Lopez Group of Companies, sako-sakong bigas ang naihatid sa mga taga-Pasig. Photos courtesy of News Public Service

Naipadala rin ang kahon-kahon na chicken noodles mula Quick Chow Noodles sa mga taga-Pateros. Photos courtesy of News Public Service

Nahihatid din ang mga bote ng drinking water sa mga taga-San Juan. Photos courtesy of News Public Service.

Nakarating na rin sa Caloocan ang mga kape at biskuwit na hatid ng Rebisco, Suy Sing Corp. at Great Taste.Photos courtesy of News Public Service

Kahon-kahon na relief packs ang iniabot sa mga taga-Valenzuela. Photos courtesy of News Public Service

Inihatid na rin sa City Hall ng lungsod Quezon ang ilang biskuwit, kape, at mga delata na hatid ng Great Taste at Suy Sing Corp. Photos courtesy of News Public Service

Natanggap na rin ng lokal na pamahalaan ng Navotas ang kahon-kahon na canned goods mula Century Pacific Food Inc. Photos courtesy of News Public Service

MAYNILA - Ngayong maraming sapul sa ipinapatupad na enhanced community quarantine, kinakailangan ng maraming Pilipino na maghigpit ng sinturon, lalo na ang mga nahinto ang hanapbuhay dahil sa mga isinarang establisimyento.

Pero ngayong weekend, maipaparating ang tulong sa mahigit-kumulang 200,000 pamilya sa tulong ng lokal na pamahalaan at mga partners sa "Pantawid ng Pag-Ibig" campaign ng ABS-CBN.

Ihahatid ng network ngayong Sabado at Linggo sa 16 na lokal na pamahalaan ang mga produktong nagkakalahalagang P100 milyon, na binili gamit ang mga donasyong nakalap mula sa mga Pilipino sa buong mundo, sabi ng ABS-CBN sa isang pahayag.

Sa mga lokal na pamahalaan ipapaubaya ang paghahanda at pagpapadala ng relief packages sa mga bahay ng mga Pilipinong walang kita at hanapbuhay dahil sa quarantine.

Malaki ang pasasalamat ng Kapamilya network sa mga donor at mga pribadong kompanya na tumulong sa pagsigurong may suplay ng bigas, delata, noodles, biskuwit, gatas, kape, shampoo, sabon, detergent, at bitamina na pantulong sa mga nangangailangan.

Patuloy na nananawagan ang ABS-CBN sa publiko at mga korporasyon para sa donasyon sa layunin nitong maabot din ang ibang lugar sa labas ng Metro Manila kung saan marami pa sa ating mga kababayan ang nangangailangan.

Nagpapasalamat ang ABS-CBN sa mga naging partner ng proyektong ito:

  • Century Pacific Foods Inc.
  • Rebisco
  • Suy Sing Corporation
  • Lucio Tan Group Inc.
  • McDonald's
  • Quick Chow Noodles
  • Mega Sardines
  • Great Taste 3-in-1
  • Sunsilk Shampoo
  • Safeguard
  • Hana Shampoo
  • Champion Detergent
  • Unilab
  • Ritemed
  • Generika Drugstore
  • Air21
  • Entrego

Sakaling interesadong magpaabot ng tulong pinansiyal, maaari itong iabot sa mga sumusunod na bank account number:

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.