Kongresistang noo'y COVID-19 positive, negative pala; 2 opisyal positibo sa coronavirus

ABS-CBN News

Posted at Mar 27 2020 04:29 PM | Updated as of Mar 27 2020 09:27 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA - Binawi ng Research Institute for Tropical Medicine ang pagkakumpirma nitong nagpositibo si ACT-CIS party-list Rep. Eric Go Yap sa nasabing sakit.

Humingi ng paumanhin ang Research Institute for Tropical Medicine (RITM) noong Biyernes nang magkamali sa diagnosis ni Yap, na sinasabing positibo sa virus noong Biyernes. 

"We wish to publicly apologize to Cong. Eric Go Yap of ACT-CIS Partylist for forwarding a report of his COVID-19 results that displayed a clerical oversight," ayon sa RITM sa pahayag. 

Huwebes nang inanunsiyong nagpositibo sa COVID-19 si Yap, bagay na binatikos ngayong dumalo pa siya sa mga government meeting matapos magpa-test para sa nasabing sakit. 

Si Yap ang kinatawan ng Anti-Crime and Terrorism Community Involvement and Support (ACT-CIS) party-list sa Kamara. 

Ayon kay Yap, nagpa-test siya para sa COVID-19 noong Marso 15 matapos makasalamuha ang mga taong nagpositibo sa sakit. 

Natanggap na ni Yap ang paglilinaw at paumanhin ng state-run medical facility. 

Naiintindihan aniya niya na normal na magkaroon ng pagkakamali lalo na't maraming pressure ngayon ang RITM. 

Nagpasalamat din siya sa magandang balita. 

Watch more in iWant or TFC.tv

 MILITARY CHIEF, AFP OFFICIAL POSITBO SA VIRUS

Samantala, kumpirmadong nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang chief of staff ng Armed Forces of the Philippines, maging ang isang senior official ng Department of Health. 


Sa isang panayam, sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na nagpositibo sa COVID-19 si AFP Chief of staff General Felimon Santos Jr - dahilan para mag-self quarantine din ang kalihim. 

Kahapon nakuha ni Gen. Santos ang resulta ng kanyang swab test 

Dalawang okasyon nagkasama sina Lorenzana at Gen Santos kaya ito nagpasyang mag-self quarantine: sa turnover ng donasyong medical supplies sa Villamor Air Base sa Pasay noong Marso 21, at noong Marso 22 sa Heroes Hall sa Malacanang.

Asymptomatic o walang nararamdaman si Sec Lorenzana. Sina Lorenzana at Santos ay itinalaga ni Pang. Duterte para pangunahan ang National Task Force laban sa COVID-19. 

Samantala, kinumpirma din ni health secretary Francisco Duque III na may COVID-19 ang isang senior health official. 

"Mild" symptoms ang nararamdaman ng nasabing opisyal, na isang undersecretary, ayon kay Duque. 

Ang nasabing undersecretary ang ika-2 DOH senior official na nag-positibo sa sakit. 

-- May ulat nina Chiara Zambrano at Kristine Sabillo, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.