Mahigit 100 hinuli dahil sa paglabag sa curfew sa QC

Lyza Aquino, ABS-CBN News

Posted at Mar 27 2020 04:38 AM

Hinuli ng mga pulis at mga opisyal ng barangay ang mahigit 100 katao dahil sa paglabag sa curfew sa Payatas at Batasan Hills, Quezon City nitong Huwebes ng gabi.

Ayon kay Police Capt. Francisco Lucena IV ng Quezon City Police District Station 6, 30 sa kanila ay menor de edad. 

Ang isa, nakalimutan umanong dalhin ang quarantine pass nang bumili ng sigarilyo.

Dinala sa istasyon ng pulis ang mga nahuli at dahil unang beses pa lang nilang lumabag ay pinagsabihan na muna sila.
 
Sa ikalawang beses ay magsasagawa sila ng community service habang sa ikatlong beses na paglabag ay kakasuhan na sila ng pulisya.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.