Ilang establisimyento, bahay nadamay sa grass fire sa Cavite

ABS-CBN News

Posted at Mar 27 2020 05:48 PM | Updated as of Mar 27 2020 10:38 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Nasunog ang ilang bahay at establisimyento sa Barangay Santol sa Tanza, Cavite nang madamay sa sumiklab na grass fire sa kalapit na siyudad, hapon ng Huwebes. 

Nagsimula ang sunog bandang alas-4 ng hapon dahil sa bisa ng isang grassfire sa Barangay San Juan. 

Sa lakas ng hangin at matinding init ng panahon ay mabilis kumalat ang sunog sa isang residential area, ayon sa ilang residente. 

"Within 5 mins nasakop na ng apoy hanggang dito ang bilis talaga kaya hindi namin alam kung ano huhugutin namin kasi ang lakas ng hangin," ayon kay Ritchie Tandoy, isa sa mga nasunugan. 

Hindi agad makapagresponde ang mga bombero dahil makipot ang daan. 

Malawak na ang sunog nang dumating ang mga bombero. 

Hirap ang mga bombero sa tubig dahil walang fire hydrant sa lugar. 

Inabot na rin ng gabi bago ma-kontrol ang apoy. Natupok ang mga junkshop, hardware store maging ang ilang sasakyan at bahay. 

Anim na pamilya ang apektado. 

Ayon kay Tanza City adminstrator John Rodgie Sanariz, aayudahan nila ang mga pamilyang nasunugan. 

— Ulat ni Dennis Datu, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.