Face shield na may hugot lines, ginawa sa Davao Oriental

Clarabelle Cornelio, ABS-CBN News

Posted at Mar 27 2020 03:50 PM

Ipinamimigay ang mga face shield na may hugot lines gaya nito sa frontline workers sa checkpoints sa Davao Oriental. Larawan mula sa Davao Oriental Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office Operations Center

Kakaibang face shields ang ginawa ng Davao Oriental COVID-19 Task Force dahil bukod sa proteksiyon ito laban sa virus, may kasama itong hugot lines bilang mensahe sa mga dumadaan sa mga checkpoint.

Ayon kay Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office operations center manager Francis Jason Bendulo, paraan nila ito para mas maintindihan ng mga dumadaan sa checkpoint ang kanilang mensahe laban sa COVID-19.

"May face shield tayo hindi lang basta na personal protective equipment... idinaan lang natin sa hugot lines kasi mas catchy ito, and trending ngayon, kaya kung tingnan babasahin talaga at maintindihan," sabi ni Bendulo.

Ang mga face shield ay ipinamimigay sa frontliners sa mga border checkpoints sa Davao Oriental.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.