DTI nagpapagawa na ng medical gowns, face shields para sa health frontliners

ABS-CBN News

Posted at Mar 27 2020 07:04 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA - Nagpapagawa na ng medical gowns at face shields ang Department of Trade and Industry paga magamit ng mga doktor at nurses laban sa coronavirus disease 2019.

Gagawin ito sa tulong ng ilang pribadong pabrika na aprubado ng Department of Trade and Industry.

Inihatid na rin sa Philippine General Hospital ang prototype ng medical gowns na gagamitin.

Titingnan ito ng PGH at Department of Health kung pasok ito sa kanilang mga pamantayan.

Aaprubahan nila ito bago gumawa nang maramihan, ayon kay Trade Undersecretary Fita Aldaba.

“‘Yong planta mayroong capacity na 10,000 pieces daily. Pag lahat ito ay aprubado na, puwede nang i-run ‘yon agad-agad,” ani Aldaba.

Sa mga fabrication laboratory, puwede rin daw gawin ang surgical mask, infra red thermometer, personal protective equimpment, respirators at ventilators.

Sinabihan na rin ang local manufacturer ng surgical mask na damihan ang ibinebentang face masks kaysa mag-export dahil sa tindi ng pngangailangan ng PIipinas.

— Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.