Doctor is online: Mga Pinoy, puwedeng kumonsulta tungkol sa COVID-19 sa chat

ABS-CBN News

Posted at Mar 27 2020 11:54 AM | Updated as of Mar 27 2020 12:07 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA- Maaaring kumonsulta ng libre ang mga Pilipinong may tanong tungkol sa COVID-19 online sa tulong ng Lung Center of the Philippines.

Para kumonsulta, pumunta lamang sa “Lung Center COVID Ask Force” Facebook page at i-message ang tanong tungkol sa sakit.

Mayroong higit sa 200 doktor ang nagtutulungan para masagot ang mga tanong ng publiko online.

“Layunin po ng aming platform na magbigay ng tamang impormasyon sa kanila para di rin sila mabahala,” ani Dr. Kim Villanueva na namumuno sa pagsagot ng mga tanong.

Maaaring magtanong mula Lunes hanggang Sabado mula alas-8 ng umaga hanggang alas-11 ng umaga, at mula alas-7 ng gabi hanggang alas-10 ng gabi.

“Marami po kasing sintomas ang COVID-19 kaya minsan konting ubo lang ay nababahala na ang ating mga kababayan,” dagdag ni Villanueva.

Nanawagan rin ang doktor sa publiko nang karagdagang donasyon ng mga face mask, gloves, at iba pang personal protective equipment na kailangan ng mga health worker sa Lung Center.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.