Bayan sa La Union, namakyaw ng pakwan mula sa mga magsasaka

ABS-CBN News

Posted at Mar 27 2020 04:03 PM

Higit 27,000 pakwan ang binili ng bayan ng Santol sa La Union mula sa mga magsasaka para isama sa relief packs na ibibigay sa kanilang mga residente. Larawan mula kay Johnson Aliba Buya-An

SANTOL, La Union - Ipamamahagi ng lokal na pamahalaan ng bayan ng Santol sa mga residente ang higit sa 27,000 mga pakwan na kanilang binili mula sa mga magsasaka.

Ayon kay Mayor Magno Wailan, P20 ang bili nila sa kada pakwan.

Hindi raw naibenta ang mga ito at malapit nang mabulok kaya binayaran na lang ang mga magsasaka.

Ito na rin ang ibinahagi sa mga residente kasama ang relief packs na ibinigay sa kanila.

Namahagi rin sila ng pakwan sa mga ahensiya ng gobyerno, frontliners at ospital.

Marami pa raw prutas at gulay na hindi naibebenta tulad ng petchay at kamatis.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.