'No short-shorts, topless' policy labag ba sa freedom of expression?

ABS-CBN News

Posted at Mar 27 2019 11:49 AM | Updated as of Mar 27 2019 12:09 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

May ilang siyudad na nagbabawal na sa pagsusuot ng maiikling shorts o kaya'y paglalakad nang topless sa mga pampublikong lugar. 

Pero ang ganitong restriksiyon ba ay maituturing na paglabag sa freedom of expression?

Para kay Atty. Claire Castro, nasa diskresyon ng siyudad kung magpapatupad sila ng mga ganitong ordinansa. 

"Kahit sabihin nating tropical country, but still covered tayo ng ating rules," ani Castro sa "Usapang de Campanilla" ng DZMM noong Martes. 

"You don't have to flaunt kahit sabihin natin body natin 'to but you should also be considerate sa mga tao na hindi pabor," dagdag ni Castro.

Ayon sa City Ordinance 0439 ng Caloocan City, pagsasabihan ang lalabag bilang first offense. 

Papatawan naman ng P500 multa sa ikalawang offense ang lalabag at may multang P1,000 at pagkakakulong na hindi lalagpas ng dalawang araw ang mga may ikatlong paglabag. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.