Empleyadong tumangay umano ng P160K sa botika sa Naga City arestado

ABS-CBN News

Posted at Mar 27 2019 05:03 PM | Updated as of Mar 27 2019 09:50 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Arestado ang isang lalaki nang magnakaw umano ng P160,000 mula sa botika kung saan siya nagtatrabaho sa Naga City.

Kinilala ang suspek na si J-Nel Taroma, 24, na nagtatrabaho bilang merchandiser sa botika. 

Base sa kuha ng CCTV, pumasok ang lalaki sa botika at isa-isa niyang inilipat ang anggulo ng mga CCTV camera. Sa kabila nito, nakunan pa rin ang ilan sa kaniyang ginawa. 

Sa loob ng 30 minuto, nakuha niya ang pera sa loob ng vault ng botika. 

Nahagip ng camera ang ilan sa pisikal na katangian ng empleyado kaya natunton agad ang suspek, ayon sa Naga City Police. 

Ayon sa mga pulis, nagawa pa raw pumasok ng suspek sa kasunod na araw matapos ang pagnanakaw. 

Ibinalik din ng suspek ang pera pero kulang pa ito ng P60,000. 

Tumangging magbigay ng pahayag ang pamunuan ng botika. 

Hindi na rin nagsalita ang suspek na kinasuhan na ng robbery. -- Ulat ni Mylce Mella, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.