1 sugatan sa sunog sa San Juan

Dexter Ganibe, ABS-CBN News

Posted at Mar 27 2019 07:54 PM | Updated as of Mar 28 2019 09:09 AM

MAYNILA - Sugatan ang isang fire volunteer matapos sumiklab ang sunog sa pagawaan ng muwebles sa Barangay Kabayanan, San Juan City nitong Miyerkoles​.

Nagtamo ng sugat sa kanang kamay si Angelito Juan sa pagresponde sa sunog sa pabrika na pagmamay-ari ni Aida Simtoco.

Nag-umpisa ang sunog pasado alas-4 ng hapon sa ground floor ng 2-palapag na gusali at umabot sa ikatlong alarma bago makontrol bandang alas-7 ng gabi.

Tinatayang P11.3 milyon ang halaga ng pinsala.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.