Magkapatid sugatan nang tagain ng pinsan

Claire Cornelio, ABS-CBN News

Posted at Mar 27 2018 09:06 PM | Updated as of Dec 28 2018 04:47 PM

Sugatan ang magkapatid na lalaki nang tagain sila ng kanilang pinsan sa Barangay Palma Gil, Talaingod, Davao del Norte, Lunes ng hapon.

Nagtamo ng sugat sa ulo at likod ang 17-taong-gulang na si alyas Archie, habang sugatan naman sa leeg ang kapatid nitong si Marjun Orocio, 20 taong gulang.

"Nasagang ang permirong tigbas peru ang ikaduha naigo naman akong liog dinhi akong manghod gipadagan man,wala man kadagan wala midagan mao natigbasan sa ulo," kuwento ni Marjun.

(Nasangga ko ang unang pagtaga niya ngunit sa pangalawa, natamaan na ang leeg ko, pinatakbo ko ang kapatid ko, pero di naman tumakbo kaya nataga ang ulo.)

Sa pursuit operation, arestado ang suspek na si Jessie Boy Galo na pinsan mismo ng mga biktima.

Aniya, dinepensahan lang niya ang kanyang sarili dahil sinugod siya ng magkapatid.

"Kalit ra mana silag sulog sa balay,ngano naa man sila didto," pahayag ng suspek.

(Bigla lang silang sumugod sa bahay, bakit nandoon sila?)

Ayon sa pulisya, dati nang may alitan ang suspek at pamilya ng biktima. Noong 2005, binaril rin ng suspek ang ama ng mga biktima. Nakalabas lamang ito ng kulungan noong 2011.

Haharap sa kasong frustrated double murder ang suspek.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.