Dating pari, tinambangan sa Masbate

Thea Omelan, ABS-CBN News

Posted at Mar 27 2018 08:40 PM

MOBO, Masbate - Isang dating pari ang patay sa pamamaril sa Barangay Tugbo, Martes ng umaga.

Kinilala ang biktima bilang si Aldrin Aganan, dating pari na umano'y nagtratrabaho na bilang tauhan ni Mayor Bong Bravo, alkalde ng bayan ng San Fernando dito sa probinsya.

Ayon sa mga awtoridad, hindi pa nila natutukoy ang motibo sa pagpatay kay Aganan.

Patuloy pa rin hinahanap ng mga pulis ang mga salarin.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.