Bagong laya, patay sa pamamaril sa Cebu

ABS-CBN News

Posted at Mar 27 2018 03:31 AM

Patay ang isang bagong layang preso matapos pagbabarilin sa Barangay Luz, Cebu City Lunes ng gabi.

Nagtamo ng tama ng bala sa dibdib si Keit Klyde Sabas.

Kuwento ng isang testigo, inabangan na makalabas sa kaniyang tinitirhan ang biktima bago binaril.

Ayon sa Cebu City Police Office Homicide Section, nakalabas nitong Pebrero si Sabas mula sa Cebu City Jail dahil sa kaso ng ilegal na droga.

Iniimbestigahan pa ng mga pulis ang motibo sa pamamaslang. - ulat ni Edgar Escalante, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.