Fuel cargo vessel, nasunog sa pantalan ng Zamboanga City

Erico Antonio, ABS-CBN News

Posted at Mar 27 2017 10:27 PM

Nasunog ang isang barko sa pantalan sa Zamboang City. Erico Antonio, ABS-CBN News

ZAMBOANGA CITY - Tinupok ng apoy ang isang fuel cargo vessel sa isang pantalan sa Zamboanga City.

Nagsimula ang sunog bandang 8:15 p.m. Lunes.

Ayon sa nakaligtas na tripulante, nagkakarga ng gasolina ang kanilang barko na ide-deliver sana sa probinsya ng Sulu nang biglang sumabog ang barko.

Tumalon siya sa dagat kasama ang kanyang tatay upang makaligtas pero naiwan ang pito pa niyang mga kasama sa loob ng barko na pinaghahanap pa hanggang ngayon.

Samantala, isa pang tripulante ang na-rescue ng emergency response team sa dagat.

Hinala ng mga bumbero may tumagas na gasolina na naging mitsa ng pagsabog.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.