3 Malaysian kidnap victims, nailigtas sa Sulu

ABS-CBN News

Posted at Mar 27 2017 12:37 PM | Updated as of Mar 27 2017 06:08 PM

Nailigtas ng militar ang 3 Malaysians na binihag ng Abu Sayyaf Linggo ng gabi.

From left to Right : Mohammad Jumadil Rahim Mohammad Ridzuan Bin Ismail; and, and Fandy Bin Bakran. VEnrico Antonio, ABS-CBN News

Ayon sa inisyal na ulat ng Joint Task Force Sulu, nailigtas sina Zulkipli Bin Ali, Mohammad Ridzuan Bin Ismail, at Fandy Bin Bakran matapos ang follow up military operations sa Brgy. Jinggan, Panglima Estino, Sulu.

Kasalukuyang nasa Kuta Heneral Teodulfo Bautista (KHTB) Hospital, ang 3 para sa kaukulang medical attention.

- ulat ni Henry Atuelan, DZMM