PatrolPH

Istasyon ng Laoag City police, idineklarang drug-free workplace ng PDEA

ABS-CBN News

Posted at Mar 26 2023 07:05 PM

Retrato mula kay Randy Menor, ABS-CBN News.
Retrato mula kay Randy Menor, ABS-CBN News.

Isa nang drug-free workplace ang istasyon ng pulisya sa lungsod ng Laoag, Ilocos Norte.

Idineklara mismo ito ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) pagkatapos nag-negatibo sa mandatory drug test ang lahat na 123 uniformed personnel at 10 na non-uniformed personnel.

Ang mandatory drug test ay isinasagawa sa mga pulis sa Ilocos Norte para makita o malaman kung may gumagamit ng ilegal na droga sa hanay ng pulisya.

Nais ng pamunuan ng pulisya na malinis ang mga pulis at para maibalik ang tiwala ng mga mamamayan sa mga law enforcement.

- ulat ni Randy Menor

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.