PatrolPH

Bata patay matapos mabangga ng convoy ng kongresista sa Cagayan

ABS-CBN News

Posted at Mar 26 2022 09:33 PM

CAGAYAN - Namatay habang ginagamot sa ospital ang isang 6 na taong gulang na lalaki matapos mabangga ng convoy ng isang politiko sa Solana, Cagayan.

Lumalabas sa imbestigasyon ng Solana police na biglang tumawid ang bata kaya nabangga ito ng convoy ni Cagayan 2nd District Rep. Baby Aline Vargas-Alfonso habang binabaybay nila ang national highway ng Barangay Sampaguita.

"Natakot umano ang bata sa malakas na busina ng mga saksakyan kaya bigla itong tumawid, nang mabangga. Tumigil ang iba pang convoy para itakbo sa ospital ang bata," ayon kay Police Capt. Jose Gaudencio Pagulayan, Deputy Chief of Police ng bayan. 

Agad namang sumuko sa mga pulis ang drayber na si Elmer Kulasing.

Nagtamo ng sugat sa iba't-ibang bahagi ng katawan ang biktima na sanhi ng kanyang pagkamatay.

Dahil nagkasundo na ang dalawang panig, hindi na magsasampa ng kaso ang pamilya ng biktima.

-- Ulat ni Dianne Dy

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.