Sen. Angara dinapuan din ng COVID-19

ABS-CBN News

Posted at Mar 26 2020 03:55 PM

MAYNILA — Inanunsiyo ni Sen. Sonny Angara nitong Huwebes na dinapuan na rin siya ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Si Angara na ang ikatlong senador na may COVID-19, kasunod nina Sen. Aquilino Pimentel III at Sen. Juan Miguel Zubiri.

Sa isang pahayag, sinabi ni Angara na ngayon Huwebes lumabas ang resulta ng kaniyang COVID-19 test, pero Marso 16 ay nagsimula na siyang umiwas sa publiko. 

"I regret to announce that today, March 26, I received my test result and it is positive for COVID-19. I have been feeling some symptoms like mild fever, cough, headaches and general weakness. I have not been in contact with the public since taking the test last March 16," sabi ni Angara.

Nanawagan si Angara ng dasal para sa kaniyang pagrekober sa sakit.

"I ask for your prayers that together we are able to pull through this tremendous challenge. With hope, sacrifice, and unity of effort, we shall overcome," aniya. 

Sa huling tala ng Department of Health, 636 na ang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, 26 dito ang nagrekober habang 38 ang namatay.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.