PANOORIN: Mga sumuway sa curfew, quarantine sa Pampanga, pinag-exercise

ABS-CBN News

Posted at Mar 26 2020 10:53 PM | Updated as of Mar 26 2020 11:30 PM

MAYNILA - Ilang mga nahuling sumuway ng home quarantine at curfew sa Pampanga ang pinarusahan sa pamamagitan ng exercise.

Kuha sa isang video ang pagpataw ng 50 jump squats ng pulisya sa mga nahuli.

 

Ilang residente ng iba't ibang probinsya at siyudad ang nahuli na matapos sumuway sa home quarantine at curfew ng kanilang mga lugar.

Matatandaan isinailalim ni Presidente Rodrigo Duterte ang Luzon sa "enhanced commmunity quarantine" para malabanan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).--Ulat ni Gracie Rutao, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.