Ilang mga driver, nahuling namamasada pa rin sa Metro Manila

ABS-CBN News

Posted at Mar 26 2020 08:40 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA —- Ilang mga driver pa rin ang nahuling namamasada sa Metro Manila sa kabila ng Luzon-wide community quarantine nitong Huwebes.

Ayon kay Police Col. Wilson Doromal ng Highway Patrol Group - NCR,
hinuli at tiniketan ang isang taxi driver at isang tricycle driver na bumabiyahe pa rin sa kalsada sa Shaw Boulevard, Pasig.

May mga tricycle driver din silang hinuli na bumabiyahe sa Caloocan Monumento, Quezon Memorial Circle, Commonwealth-Batasan at iba pang pangunahing kalsada.

Natiketan rin ang ilang motorcycle rider na nahuling walang helmet, lisensiya or papeles.

Bukod pa sa mga tricycle, marami ring mga habal-habal at colorum van ang nagsasakay pa rin ng ilang mga pasahero kaya puspusan pa rin ang kanilang pagbabantay, ani Doromal.

Sa ilalim ng enhanced community quarantine, hindi pinapayagang mamasada ang anumang sasakyan bilang pag-iingat sa pagkalat ng novel coronavirus.-Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.