PatrolPH

Home quarantine tip ng work-from-home mom, nag-viral

Andoreena Causon, ABS-CBN News

Posted at Mar 26 2020 03:35 PM | Updated as of Mar 26 2020 07:28 PM

SANTO TOMAS, Davao del Norte - Inspirasyon ngayon sa ibang mga magulang ang work-from-home mom na si Hycinth Clor de Arta dahil sa malikhain nitong paraan para maging produktibo sa kabila ng ipinapatupad na home quarantine measures bunsod ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Noong Marso 22, binuksan niya ang "Mama's Home Quarantine Store" para maturuan ang mga anak na maging responsable sa gawaing bahay at sa paggastos ng pera.

Naging paraan din aniya ito para mabawasan din ang oras na ginugugol ng mga bata sa panonood ng TV, pag-i-internet at paggamit ng gadget.

Sa bawat gawaing bahay na kanilang nagagawa, bibigyan sila ng 'play money' para may pambili ng kanilang paboritong pagkain gaya ng biscuits, candies, chocolates at juice.

Sinusunod din ang precautionary measures laban sa COVID-19 gaya ng pagsuot ng mask, physical distancing at paggamit ng hand sanitizer.

"They will learn how to save their earned money and spend it wisely. One way to teach them financial literacy. And the best thing of all is we get to bond as a family. We are all enjoying it,” sabi ni Hycinth.

Home quarantine tip ng work-from-home mom, nag-viral 1
Home quarantine tip ng work-from-home mom, nag-viral 2
Home quarantine tip ng work-from-home mom, nag-viral 3

Tinuturuan ng Mama's Home Quarantine Store ni Hycinth Clor de Arta ng responsableng paggastos ng pera, paglilinis ng bahay at ang mga ipinatutupad na physical distancing, pagsuot ng face mask at paggamit ng hand sanitizer. Larawan mula kay Hycinth Clor de Arta

Dahil sa ipinatutupad na quarantine kung saan dapat manatili lamang sa bahay, panahon aniya ito ng mga magulang na makapag-bonding sa kanilang mga anak.

"As a parent, all you have to do is motivate them and guide them how to get things done. Don't just let them do it as they will surely not participate unless they see you helping them. Lastly, have your husband participate and just enjoy the bond," dagdag ni Hycinth.

Simula nang mai-post sa Facebook ang 'Mama's Home Quarantine Store' noong Marso 22, umani na ito ng 81,000 reactions, higit 14, 000 comments at 102,000 shares.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.